Ang Masayang Hari


Ni:  Michael Rosen, Isinalin ni: Marijoy Dugay

Minsan ay may isang haring ubod ng yaman at taba. Siya ay mayaman dahil maraming taong nagtatrabaho para sa kanya, at siya ay mataba dahil kumakain at umiinom siya ng labis. Ngunit siya ay napaka-abalang hari. Araw-araw umaalis siya upang puntahan ang kanyang hardin at subaybayan ang kanyang mga hardinerong namamahala ng kanyang mga presa at sirwelas at melokoton. Araw-araw pumupunta siya upang tingnan ang kanyang mga manghahabing gumagawa ng kanyang mga sedang kamiseta, at tingnan ang kanyang mga karpinterong gumagawa ng kanyang mga kama at mesa, hagdanan at balakilan para sa lahat ng kanyang mga gusali.

Saan man siya maparoon, isinasama niya ang kanyang matagal ng kaibigan, ang Poong Chamberlain. Itong matagal ng kabibigan ay halos kasing-saya ng hari – o kailangan niyang magkunwari, gayon pa man, saan mang dako maparoon ang hari kailangan niyang kantahin ang dalawang paboritong awit ng hari: Masasayang araw ay narito na naman at Diyos iligtas ang hari.

Isang araw bago dumating sa pagbisita ang mataba at masayang hari at ang Poong Chamberlain, isa sa mga hardinero, manghahabi at karpintero ay nakaupong nag-uusap.

Ang matandang Jack, ang hardinero ay unang nagsalita.

“Isang nakakatawang bagay na alam ninyo, mga binata, sa kapanahunan ko dapat pinitas ko ang tone-toneladang melokoton sa mga puno ng melokoton sa prutasang hardin ng hari at alam ba ninyo – talagang hindi ako kumain ng kasing dami ng mapupuno ang dalawang kamay ko.”

At si Jose ang manghahabi ng seda ay nagsalita.

“Hindi ko alam tungkol sa iyo, Jack, ngunit dapat gumawa ako ng sapat na seda sa kapanahunan ko para mabanat ko mula dito hanggang sa dagat pabalik, at wala akong sapat na malawak na tela – ni seda – para tagpian ang butas sa pantalon ko.”

At pagkatapos si Nobby, ang karpintero ay nagsalita. “Kaya ninyong dalawang magsalita. Sumama kayo sa akin mamayang gabi, at ipakikita ko sa inyo ang aking pinaka-mahalagang pag-aari. Ang mesang may tatlong paa! Kapag kami ay maghapunan, naghahalin-hinan kami upang maging ikaapat na paa. Hindi ko malubos maisip ang kahoy na napunta sa pagbuo ng mga hagdan hanggang sa silid ng hari.

“Sasabihin ko sa hari ang tungkol dito,” ang sabi ng matandang Jack. “ Siya ay mabuting tao. Kapag narinig niyang gaano ako kagutom nitong mga huling linggo maiintindihan niya at bibigyan niya tayo ng kaunti pang pera.” Kaya si Jose ang manghahabi ay nagsabing babanggitin niya sa hari ang tungkol sa butas ng kanyang pantalon at si Nobby naman  ang tungkol sa kanyang mesang may tatlong paa.

Kaya sa araw na iyon,  nang dumating ang hari sa hardin, sumalubong ang matandang Jack.

“Kamahalan,” ang sabi niya.

“Ang mabuting matandang Jack,” sumigaw ang hari “Kamusta ka?”

“Hindi gaanong masama, Kamahalan. Nag-tataka lang ako, Kamahalan, kung…”

“Bigyan mo siya ng awit, Chamberlain” sumigaw ang hari, “Huwag mag-alala, Jack. Lahat tayo ay nag-tataka, lahat tayo ay nag-tataka.”

Ang Poong Chamberlain ay  kumanta ng Hinding hindi  ka maglalakad ng mag-isa

“Sumali ka Jack,” ang sabi ng hari. “Ito ay mabuting lumang awit.”

Kaya si Jack, ang hari at ang chamberlain ay kumanta ng hindi ka maglalakad ng mag-isa.

“Magbalik na sa trabaho, Jack matandang kapwa ko,” ang sabi ng hari, habang lumingon  sa  chamberlain. “ Kagila-gilalas na kapwa, matandang Jack, alam mo.”

Sumunod ay nagpunta sila kay Jose, ang manghahabi.

“Kamusta ang lahat, Jose?” masayang tanong ng hari sa matandang Jose.

“Hindi gaanong masama, Kamahalan, salamat,”

“Mabuti, mabuti,” sagot ng hari. “Ipakita mo ang nagawa mo ngayong araw.”

Kaya tumayo si Jose at kinuha niya ang kanyang nagawa mula sa habihan, at habang paalis, nakita ng hari ang butas sa pantalon ni Jose, at humalaklak ito ng malakas.

“Kaawa-awang Jose! Alam mo ba, Jose, mayroong malaking butas sa iyong pantalon at ang iyong puwit ay nakikita?”

“Ah oo,” sagot ni Jose: “Alam ko Kamahalan, at itatanong ko sana inyo  kung…kung…”

At ang Poong Chamberlain ay nag-umpisang kumanta.

Kung ang panahon ay mainit, kung ang panahon ay malamig, Makakaligtas tayo sa panahon, Ano man ang panahon, Kung gusto natin ito o hindi.

Pagkatapos lahat sila ay masayang nagtawanan, at bumalik sa pagtatrabaho si Jose.

“Kagila-gilalas na matandang nilalang, matandang Jose, alam mo,” ang sabi ng hari sa Chamberlain, at nagpatuloy silang lumakad para tingnan si Nobby.

Nang dumating sila sa talyer ni Nobby, wala roon si Nobby.

“Nasa paligid-ligid lang siya, inaasahan ko,” ang sabi ng Poong Chamberlain.

“Hindi ko gustong naghihintay,” ang sagot ng hari. “Gusto kong makita ang bago kong kama. Nobby! Nobby!

Sumigaw ang hari, ngunit walang sumagot. Ang kapa ni Nobby ay nasa pintuan, at ang bag ng kagamitan ni Nobby ay nasa ibabaw ng bangko, kaya nagpunta ang hari sa may bangko at tiningnan ang laman ng bag. At doon, sa loob ng bag, ay may isang pirasong napapanahong kahoy. Isang pirasong owk mula sa kahuyan ng hari.

Pagkatapos noon, dumating si Nobby.

“Ano ito?” ang tanong ng hari.

Walang maisip si Nobby ng sasabihin.

“Iyan ay…iyan ay..iyan ay abubot…Iyan ay pansariling kasangkapan, Kamahalan.

Lumingon ang hari kay Chamberlain.

“Ano sa tingin mo ito, Chamberlain?” ang tanong niya.

“Iyan ay isang piraso ng inyong owk, Kamahalan,” ang sagot ng Chamberlain.

“Magaling, magaling, magaling,” sinabi ng hari, at tumawa ng karima-rimarim. “Napakahangal mong kapwa, Nobby! Sabihin mo sa kanya kung gaano siya kahangal, Chamberlain.”

Kaya ang Poong Chamberlain ay kumanta ng awit na Ikaw ang aking sikat ng araw ngunit inilabas din niya ang kutsilyo at pinutol ang tainga ni Nobby.

“Iyan ay dahil wala ka nang dumating kami,” ang sabi ng hari. “Sa susunod kung tatawagin ka namin, magpapanting ang tainga mo, hindi ba?”

Ang masayahing hari ay natawa sa kanyang biro, habang kumanta ang Chamberlain

Ikaw ang aking sikat ng araw, akin lamang na sikat ng araw, pinasasaya mo ako, kapag ang kalangitan ay madilim. Hindi mo malalaman mahal, kung gaano kita 

kamahal…

Nang kantahin niya itong mga huling salita, pinutol ng Poong Chamberlain ang dila ni Nobby.

“Iyan ay dahil walang kabuluhan ang sinabi mo,” ang sagot ng hari.

Sa gayon, ang Poong Chamberlain ay naghanda sa pagputol ng kamay ni Nobby, dahil iyon ang kanyang nakagawian kung ang isang tao ay “sanay ang kamay” sa pagkuha ng owk ng masayahing hari – mga ibon ng hari, mga kuneho ng hari, anumang bagay na lalabas mula sa kahuyan ng hari. Ngunit, sa ngayon, pinigilan siya ng hari.

“Huwag, Chamberlain! Hayaan mo ang kamay niya. Kakailanganin niya ito sa pagtapos ng paggawa ng bago kong kama. Pero, tapusin mo ang awit, kapwa kong mahal. Hindi natin nais na makaligtaan.”

Kaya tinapos ng Poong Chamberlain ang awit. 

 …Hindi mo malalaman mahal, kung gaano kita kamahal. Huwag mong ilayo ang aking sikat ng araw.

Pagkatapos noon, ang masaying hari at ang masunuring Chamberlain ay magkasamang umalis at iniwan si Nobby na nakatayo sa gitna ng kanyang talyer habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang ulo.

“Matandang hangal na Nobby,” ang sabi ng hari sa Chamberlain. “Gayun pa man, malalaman niyang maigi sa susunod, hindi ba? Ang ibig kong sabihin, kung hinayaan ko siyang tumangay ng isang pirasong kahoy, magnanakaw pa siya ng marami pa, pagkatapos, magkakaroon siya ng maraming kahoy, hindi na niya kakailanganing magtrabaho pa sa akin, hindi ba? Pagkatapos, wala nang gagawa sa aking mga kama at mga aparador at mga tokador at mga mesa at ang aking magagandang, magagandang mga upuan, hindi ba?”

“Wala, Kamahalan, Walang wala na,” sagot ng Poong Chamberlain, habang nilinis niya ang dugo ni Nobby sa maharlikang kutsilyo. “At, ang mayroon pa, Kamahalan, ito ay magsisilbing leksiyon para sa lahat ng iyong asignaturang magbibigay aral.”

Masayang ngumiti ang hari.

“Nakagawa ako ng magandang  gawain sa araw na ito, Chamberlain,” ang sabi niya.

“Oo, nakagawa ka ng magandang gawain sa araw na ito.” ang sagot ng Poong Chamberlain.

“Ang katarungan ay naisagawa, sa tingin ko, sa tingin mo, Chamberlain?”

“Ang katarungan ay tiyak na naisagawa, aking Poon,” sagot ng Poong Chamberlain.

At sumakay sila patungo sa palasyo.

Habang nakasakay sila, magkatabi, sa lahat ng dako ng bukirin at sa mga daanang patungo sa palasyo, ang hari at ang Poong Chamberlain ay pikit mata sa mga  sandaang mga mag-aararo, panadero, katulong, manlilimos, nangangalaga ng baka, at mananahi na nakatanggap ng Katarungan ng Hari – na katulad ni Nobby, ang karpintero. Habang pumaroon pa sila, ang hari at ang Panginoong Chamberlain ay nagbingi-bingihan sa mga usaping nagdaan sa pagitan ng mga taong ito. At ang masayang hari at ang kanyang kaibigang Chamberlain ay hindi maaaring mag-akala ng ano mang likhang-isip ng mga taong ito: na darating ang panahon na Ang Mga Mabubuting Salita ng Hari at ang Katarungan ng Hari ay matitigil – minsan at magpakainlanman.